Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaJuan Ponce Enrile, hindi pabor sa kagustuhan ni Vic Rodriguez na buhayin...

Juan Ponce Enrile, hindi pabor sa kagustuhan ni Vic Rodriguez na buhayin ang posisyon na Presidential Chief of Staff

Kinontra ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang balak ni Executive Secretary Vic Rodriguez na pagbuhay muli sa posisyong ‘Presidential Chief of Staff’.

Ito’y sa gitna ng mga balita na matatanggal na sa kanyang kasalukuyang pwesto si Rodriguez.

Ayon sa ilang ulat ay gusto ni Rodriguez na siya ang maging presidential chief of staff kung sakali man na maalis siya bilang executive secretary.

Ngunit hindi pabor si Enrile sa mungkahing ito ni Rodriguez lalo na’t madaming hinihinging karagdagang kapangyarihan ang executive secretary para sa kanyang posibleng susunod na pwesto.

Paliwanag ni Enrile ay ang mga hinihinging mga roles ni Rodriguez para sa presidential chief of staff ay ginagawa na ng iba’t ibang opisina ng gobyerno.

“The proposed AO/SO will certainly cause confusion and conflicts among the said offices, in terms of functions and accountabilities,” ani Enrile.

Sinabi rin nito na ang dapat na role lamang ng presidential chief of staff ay ang tulungan ang pangulo sa kanyang mga schedule at paghahanda sa mga meeting.

“The Presidential Chief of Staff has (1) no decision-making power, (2) no signing power, (3) no review power, (4) no power of supervision or control over any government department, agency or office, and (5) no power whatsoever to represent or act on behalf of the President,” sabi ng beteranong abogado.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Rodriguez sa naging payo ni Enrile.

Kung sakali na hindi maitatag ang presidential chief of staff ay wala ng kasiguraduhan kung may iba pang magiging posisyon si Rodriguez kung sakali na maalis siya bilang executive secretary.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular