Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDabarkads Jimmy Santos, sinubukan ang buhay bilang isang construction worker

Dabarkads Jimmy Santos, sinubukan ang buhay bilang isang construction worker

Pagiging construction worker naman ngayon ang sinubukan ng Eat Bulaga ‘Dabarkads’ na si Jimmy Santos.

Sa kanyang vlog ay makikita ang pagsubok ng 70-anyos na komedyante na maghalo ng semento, magkarpentero, at magbaluktot ng mga bakal.

Kinausap din ni Jimmy ang isang foreman upang lalo pa siyang magkaroon ng kaalaman pagdating sa trabaho bilang construction worker.

Dito niya nalaman ang hirap na pinagdaanan ng mga construction worker noong panahon ng pandemya dahil sa patigil tigil ang kanilang trabaho.

Matatandaan na sumabak din sa pagtitinda sa palengke at paggawa ng uling ang television host.

Pinuri naman ng mga netizens ang kanyang mga content dahil sa marami silang aral na natututunan tungkol sa mga trabaho ng mga ordinaryong tao.

“Jimmy Saints talagang malapit sa mga karaniwang tao. Mabuhay ka Idol.” sabi ni Estillo Villar Jr.

“Thank you for sharing idol..sipag mo naman.. walang yabang at arte sa katawan.. more power po sa channel ninyo,” wika ni Familia Koolits.

Si Jimmy Santos ay ipinanganak noong 1951 sa Pateros, Rizal. Bago ito sumabak sa showbiz ay naging manlalaro muna ito ng Jose Rizal College kung saan ay nanalo sila ng NCAA Championship.

Naglaro rin ito sa MICAA na itinuturing na PBA noong panahon niya.

Noong 1983 ay naging parte ito ng Eat Bulaga ngunit pansamantalang natapos ang kanyang career sa showbiz dahil sa pandemya.

Dahil dito ay inumpisahan niya na gumawa ng channel sa Youtube na naging patok naman sa mga manonood.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular