Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAtty. Jesus Falcis, nag-fund raising matapos siyang kasuhan ng cyber libel ng...

Atty. Jesus Falcis, nag-fund raising matapos siyang kasuhan ng cyber libel ng isang propesor

Nilatag ng Kakampink lawyer na si Atty. Jesus Falcis ang kanyang ‘g-cash’ matapos siyang kasuhan ng cyber libel ng political scientist na si Prof. Antonio Contreras.

Ayon kay Falcis ay may kinasuhan siya ni Contreras dahil sa kanyang post kung saan ay tinawag niyang ‘tuta ni Marcos’ ang political scientist.

Hindi rin diumano nagustuhan ni Contreras ang kwento ng abogado tungkol sa diumano’y kamag anak ng propesor na hindi tinulungan ni dating Vice President Leni Robredo noong nahaharap ito sa kaso.

Larawan mula kay Jesus Falcis/FB

Ibinahagi ni Falcis kagustuhan ni Contreras na humingi siya ng public apology tungkol sa kanyang mga nasabi ngunit tumanggi ang abogado at sinabi na ilalaban niya ang kanyang freedom of speech.

“Hopefully the case gets dismissed at the level of the Prosecutor’s Office but even if it goes to court, I will fight it all the way up to the Supreme Court,” ani Falcis.

“I will not be silenced. They did it to other anti-Marcos / kakampink bloggers unfortunately but as long as I can speak and write, I will not be silenced.” dagdag pa niya.

Handa naman diumano siyang labanan hanggang Supreme Court si Contreras ngunit inamin din nito na kakailanganin niya ang pera sa kanyang legal battle.

Kaya’t inilatag niya ang kanyang g-cash upang makaipon ng pondo.

“In exchange for any support, you can ask me for legal advice or strategies! I can also help any law students or bar takers understand legal concepts,” wika ng abogado.

Ayon pa kay Falcis ay tila talagang gusto ni Contreras na humingi na lamang siya ng paumanhin.

Kwento pa niya ay umupo pa sa mismong tabi niya si Contreras noong nasa korte sila.

“Through my peripheral vision I can see he is seated in way looking towards me, gusto ata kausapin ko sya at mag apologize ako sa kanya. Or sinisindak ako.” ani Falcis.

Hindi naman ito nagbigay ng kahit anong tugon kay Contreras.

Samantala ay tumanggi ang propesor na magbigay ng kahit anong komento tungkol sa kasong isinampa niya laban kay Falcis.

“Out of respect to the legal process, and lest I get cited by the fiscal for contempt, I have no comment.” sabi ng propesor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular