Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesAles Vodisek, titigil muna sa vlogging at idadaan sa pribado ang isyu...

Ales Vodisek, titigil muna sa vlogging at idadaan sa pribado ang isyu nila ni Jorryme

Inanunsyo ng Slovenian National na si Ales Vodisek na titigil na muna siya as kanyang pagba-vlog.

Sa kanyang video na pinamagatang ‘My Last Video’ nitong Septyembre 15, sinabi ni Ales na susubukan niya munang ayusin ang isyu nila ng kanyang asawa na si Jorryme.

Matatandaan na sumikat sa social media si Ales matapos siyang i-link ng kanyang asawa sa bestfriend nito na si Shaira Mae Boyonas.

“I apologize to all my followers, to all my subscribers because this will be my last video until our private things will resolved,” ani Ales.

“It doesn’t matter how, but we’ll see what will be the result,” dagdag niya pa.

Bago ito magpaalam ay ipinakita muna ni Vodisek ang ganda ng kanyang bansa sa mga subscribers niya.

Umuwi na nitong nakaraang linggo sa Slovenia si Ales dahil sa tindi ng publicity na natanggap ng isyu nilang mag-asawa.

Umabot pa ito sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na napanood ng milyon milyong manonood.

Dito nalaman ng mga netizens na isang linggo lamang palang pala na magkakilala si Ales at Jorryme ay nagdesisyon na silang magpakasal.

Ito ang nakikita ng ilang eksperto kung bakit tila agad na nasira ang relasyon ng dalawa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular