Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesVP Sara Duterte, may maanghang na tugon sa mga bumabatikos sa kanya...

VP Sara Duterte, may maanghang na tugon sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa paggamit ng presidential chopper: “Hopefully he becomes a better version of himself,”

Nagbigay ng maanghang na tugon si Vice President Sara Duterte sa mga bumabatikos sa kanyang post para pasalamatan ang Philippine Air Force (PAF) sa paghahatid sa kanya.

Matatandaan na nitong Septyembre 12 ay binigyan ng ibang inteprasyon ng mga netizens ang post ni Duterte.

“Thank you, PBB (President Bongbong Marcos) and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed. Thank you for putting a premium on the desire of a working mother to be present in her children’s lives.” ani Duterte.

Dahil dito ay ilang kritiko ni Duterte ang hindi naitago ang pangigigil dahil sa habang ang mga normal na tao daw ay pumipila sa jeep ay sumasakay naman sa chopper ang bise presidente.

Sa kanyang tugon, hiniling ni Duterte na sana’y matigil na ang pagiging ‘bitter’ at malisyoso ng kanyang mga kritiko na puro na lamang diumano galit ang nasa isip.

“I believe that a person who can conjure a lie from an appreciation post – that a helicopter is being used to go home every day, even giving in to the itch of maliciously suggesting that it is for personal use – should seriously reflect on why he had to lie.” ani Duterte.

“I think that if this person can recognize his anger, he will be able to overcome his bitter and spiteful self. Hopefully, he becomes a better version of himself – despite the cycle of hate that has enslaved him.” dagdag niya pa.

Samantala ay pinag-aaralan naman ng Office of the Vice President ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga nagpapakalat ng maling balita laban kay Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular