Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesTito Sotto, nagpakita ng suporta kay JV Ejercito sa gitna ng akusasyon...

Tito Sotto, nagpakita ng suporta kay JV Ejercito sa gitna ng akusasyon na nakabuntis ito

Nagpakita ng suporta si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kay Sen. JV Ejercito sa gitna ng kinakasangkutan na isyu ng senador.

Matatandaan na inaakusahan ngayon si Ejercito ng mga netizens na siyang senador na nakabuntis diumano ng kanyang chief-of-staff.

“@jvejercito remember, -ang punong mabunga ang binababato!” ani Sotto.

Matatandaan na ilang beses ng itinanggi ni Ejercito ang mga akusasyon laban sa kanya na ipinakalat ng diumano’y isang vlogger.

Ayon sa kanya ay na-isyu narin siya noon dahil naman sa kanyang executive assistant ngunit napatunayan na hindi ito totoo.

“Hay naku this particular circle spreading fake news of a “scandal” of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen. Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila. Be responsible.” ani Ejercito.

Alam narin diumano ni Ejercito kung sino ang nasabing netizen na nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya.

Sinabi ni Ejercito na kahit si Rep. Richard Gomez ay nabiktima narin ng nasabing netizen.

Samantala ay hindi pa nagpapakita sa publiko ang nasabing chief of staff ni Ejercito kaya naman patuloy parin ang pagdududa ng mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular