Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesRadio anchor Deo Macalma may mensahe kay PBBM: Bawasan niyo ang mini...

Radio anchor Deo Macalma may mensahe kay PBBM: Bawasan niyo ang mini concert niyo

Nagbigay ng isang ‘unsolicited advice’ ang beteranong mamamahayag na si Deo Macalma ng DZRH kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang programa na Damdaming Bayan nitong Septyembre 14 ay hinimok ni Macalma si Marcos na bawas-bawasan na sana ang mga social activities na ginagawa nila sa Malacañang katulad ng pagpa-party at mini concert.

Matatandaan na nitong Septyembre 13 ay ipinagdiwang ni Marcos ang kanyang kaarawan sa Malacañang, ngunit bago pa ito nangyari ay nagkaroon narin ng ilang social activities sa palasyo katulad ng isinagawang party para sa birthday ni dating First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay Macalma ay ‘insenstive’ ang ginagawa ni Marcos dahil humaharap parin sa krisis ngayon ang bansa.

“Unsolicited advice Mr. President: Bawasan niyo ang social activities niyo tulad ng ala-mini concert niyo, parang ang dating insensitive.” ani Macalma.

“Nakakahiya dahil may pandemya pa, tapos daming walang trabaho, daming nagugutom tapos nakikita kayong nagsasaya. Baka sabihin Mr. President, ngayong nakabalik na kayo sa Malacañang, happy days are here again.” dagdag niya pa.

Wala pang pahayag ngayon ang palasyo tungkol sa pahayag ni Macalma.

Makikita sa ilang video at larawan na ibinahagi ng broadcaster na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna ang mga naganap sa pagdiriwang ng kaarawan ni PBBM.

Hindi naman nakalimutan ng pangulo na makisali sa mini-concert.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular