Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOpisyal ng LGU at pulis na isinasangkot sa kaso ni Jovelyn Galleno,...

Opisyal ng LGU at pulis na isinasangkot sa kaso ni Jovelyn Galleno, hinamon na magpa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Hinamon ni Sen. Raffy Tulfo ang City Information Officer ng Puerto Princesa na si Richard Ligad at PMajor Noel Manalo na sumabak sa lie detector test.

Ito’y matapos silang ituro ng suspek sa pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas na diumano’y namilit sa kanya na umamin sa nangyari sa dalaga.

Sa kanyang programa sa Wanted sa Radyo ay inanyayahan ni Tulfo ang dalawang opisyal na sumalang sa lie detector test katulad ng ginawa nila kay Dasmariñas.

Ito’y para malaman kung nagsasabi nga ba ng katotohanan si Manalo at Ligad.

Wala pang tugon ang dalawang opisyal sa hamon ni Tulfo.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Dasmariñas na ang dalawang opisyal ang diumano’y namilit sa kanya na umamin sa nangyari kay Jovelyn sa pamamagitan ng pananakot at pananakit.

“Wala po akong kinalaman doon, basta pagdating ko, nandun na lang ‘yun,” sabi ng suspek ng tanungin kung bakit niya itinuro ang lugar kung saan nakita ang buto ni Jovelyn.

Inalok din diumano siya ng pera ni Manalo para ‘makipagtulungan’ sa kanila.

READ MORE: Leobert Dasmariñas, inamin na pinahirapan at inalok ng pera ng pulis para tulungan sila sa paglutas sa kaso ni Jovelyn Galleno

“Pagkapasok ko sa opisina [ni Manalo] pinosasahan nila ako at sinabi na makipagtulungan daw ako, sila na ang bahala sa abogado ko,” aniya.

Samantala ay kung mapapatunayan ng lie detector test nagsisinungaling si Dasmariñas ay aatras na si Tulfo sa pagtulong dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular