Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesLGU ng Cabuyao, humingi ng paumanhin matapos pilosopohin ng kanilang staff ang...

LGU ng Cabuyao, humingi ng paumanhin matapos pilosopohin ng kanilang staff ang netizen sa kanilang page

Humingi ng paumanhin ang LGU ng Cabuyao City matapos ‘pilosopohin’ ng kanilang staff sa Traffic Management Office ang isang residente doon.

Ayon sa reklamo ay makikita ang isang netizen na nagtatanong kung ano ba ang gamit ng mga pages katulad ng Cabuyao Traffic Management Office.

Ikinagimbal naman ng netizen na nagtanong na sumagot ang mismong admin ng page ng traffic management office, ngunit hindi maganda ang naging tugon nito.

“Ask yourself! Pwede ka mag traffic sa gitna para di mag reklamo siguro ikaw makakalutas ng traffic sa cabuyao hahaha,” sabi ng nasabing staff na gumagamit sa page ng traffic management office.

Nagpaliwanag naman ang nasabing opisina at sinabi na diumano’y na-hack ang kanilang page.

“Magandang gabi po sainyong lahat! Nais po naming humingi ng pasensya sainyo dahil may bang nakapag bukas ng page namin at ginagamit ito pangreply comment sa ibang comment ninyo.” sabi ng opisina.

“Magiging aral po ito samin at lalo naming paghihigpitan ang access ng aming page. Kasalukuyan po naming ginagawan ng aksyon at tinetrace kung sino po ion. Pasensya na po at maraming salamat po!” dagdag pa nila.

Hindi naman naniniwala ang ilang netizens sa paliwanag ng nasabing page.

Maari daw kasi na mismong ang nagma-manage ng page ng traffic management office ang namilosopo sa netizen ngunit nakalimutan lamang nitong gamitin ang kanyang personal page.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular