Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKampo ni VP Sara Duterte, posibleng magsampa ng kaso laban sa mga...

Kampo ni VP Sara Duterte, posibleng magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa bise

Pinag-aaralan ng Office of the Vice President (OVP) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol kay VP Sara Duterte.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang pahayag ni Duterte tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng Philippine Air Force na pinapasakay siya sa presidential chopper.

“Thank you, PBB, and your 250th PAW for ensuring that wherever I may be found in the country during the day, I am home in time to tuck my children to bed. Thank you for putting a premium on the desire of a working mother to be present in her children’s lives.” ani Duterte.

Ilang netizens ang binatikos ang bise at sinabi na ginagamit nito ang chopper sa paguwi mula sa kanyang trabaho sa Maynila papuntang Davao City araw araw.

Ngunit ayon sa spokesperson ni Duterte na si Reynold Munsayac ay hindi na sa Davao City nakatira ang pamilya ng bise kundi sa Maynila na.

Dahil dito ay naghahanda ang kampo ni Munsayac na turuan ng leksyon ang mga nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa post ni Duterte.

“Maraming nalilinlang ang mga ganyang post. Alam naman natin na kung pababayaan nating mag-propagate ang ganyan, minsan, naniniwala ang taumbayan.” ani Munsayac.

Wala pang pahayag si Duterte kung bibigyan niya ba ng permiso ang kanyang opisina na kasuhan ang mga netizens na nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular