Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJim Paredes sa pangako ni VP Duterte na aayusin ang problema sa...

Jim Paredes sa pangako ni VP Duterte na aayusin ang problema sa Edukasyon: ‘Parang 3 to 6 months lang’

May reaksyon ang legendary OPM artist na si Jim Paredes sa pangako ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Matatandaan na sinabihan ni Duterte si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magagawa niyang tapusin ang problema sa edukasyon ng Pilipinas sa loob ng anim na taon kung mabibigyan siya ng P100-B kada taonl.

“Lumapit na kami sa Pangulo at sinabihan ko po ang Pangulo, ‘if you give me 100 billion, I will solve all the problems of the basic education. And that is what I want to reiterate as well, to Congress and the House of Representatives, if you give me, give us, the people here sitting in front of you, 100 billion, we will be able to solve the problem in six years,”  ani Duterte.

Tila hindi naman bilib si Paredes sa naging mensahe ng bise presidente dahil baka magaya lamang ito sa pangako noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin ang problema sa ipinagbabawal na gamot sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Ipinaalala din ni Paredes ang pahayag diumano ni Duterte na ang lahat ng tao ay sinungaling.

“Parang ‘ 3 to 6 months’. Take into account that this woman once said that everyone is a liar.” ani Paredes.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang OVP sa mga banat ni Paredes laban kay Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular