Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJam Magno, may paalala kay PNP chief Azurin: "You are making the...

Jam Magno, may paalala kay PNP chief Azurin: “You are making the PNP look like a joke!”

Hindi nakapagtimpi ang social media influencer na si Jam Magno matapos nitong marinig ang pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin kung saan ay kinontra nito ang istratehiya na magbibigay ng takot sa mga masasamang loob.

Sa kanyang pahayag, ipinaalala ni Magno sa pinuno ng PNP na ang trabaho nila ay labanan ang mga masasamang loob at hindi alagaan.

“You are making the PNP look like a joke. And God knows your image needs a lift!” ani Magno.

Naniniwala ito na nakakababa ng morale ng pulisya kung ang pinuno nila ay malambot pagdating sa paglaban sa mga masasamang tao.

“Lift up the police force by setting an example that the Philippines need now-a police force that needs to be feared by bad elements.” ani Magno.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Azurin sa mga pambabatikos na kanyang natatanggap sa social media.

Samantala ay nagkausap ang dating PNP chief na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at si Azurin at sinabi nito na nirerespeto niya ang istilo ng kasalukuyang pinuno ng kapulisan.

“Giving a pep talk to the Chief, PNP inside the Malacañang grounds. Our methods and approaches may differ but we share the same objective that is to make the Philippines a safe place to live for everyone. God bless you Chief!” ani Dela Rosa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular