Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaEarly bird! Liberal Party, naghahanda na para sa eleksyon 2025 at 2028

Early bird! Liberal Party, naghahanda na para sa eleksyon 2025 at 2028

Nag-umpisa na ang paghahanda ng Liberal Party para sa eleksyon 2025 at 2028 kahit na ilang buwan pa lamang ang nakakaraan matapos ang nakaraang halalan.

Sa panayam ng POLITIKO, ibinahagi ni dating Ifugao Rep. at natalong senatorial candidate na si Teddy Baguilat Jr. na isa sa mga nakikita nilang naging dahilan ng pagkatalo nila nitong 2022 ay hindi sila maagang naghanda.

Ngunit hindi na daw ito mauulit at pinag-usapan na nila ito sa kanilang pagtitipon na kung saan ay pumunta din ang dating Vice President na si Leni Robredo.

Larawan mula sa Liberal Party

“Hindi maagang napaghandaan, ganoon lamang kasimple,” ani Baguilat. “Ang decision ni Ma’am Leni, October [2021] so you have a few months to prepare for the national elections, for the campaign versus doon sa kabila na years ago pa nila pinaghandaan,”

Ayon kay Baguilat ay mas mainam na ngayon pa lamang ay paganahin na nila ang kanilang makinarya para sa kung sino ang nakikita nilang pambato ng Liberal sa 2028.

“I’m not saying na puro eleksyon nalang ang iniisip pero kung may mga nakikita ka nang posibleng tatakbo sa 2028 sana ngayon palang sinimulan na ‘yung makinarya mo,” aniya.

Wala pa naman silang binanggit na mga magiging pambato nila sa 2025 at 2028 elections.

Ngunit isa sa mga inaasahan nila na tatakbo sa pagkasenador ay si dating Sen. Kiko Pangilinan.

Posible din daw na si Sen. Risa Hontiveros ang maging pambato nila sa 2028.

“I think kung mayroon man ang iniisip na mga kasama namin si Risa Hontiveros ‘yung isang iniisip,” ani Baguilat.

Nilinaw naman ni Baguilat na hindi porket ‘standard bearer’ nila si Hontiveros ay patatakbuhin nila ito sa pagkapangulo.

Wala pang pahayag si Hontiveros sa plano ng LP para sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular