Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaDNA examination ng NBI, sinabi na 'positibo' na si Jovelyn Galleno ang...

DNA examination ng NBI, sinabi na ‘positibo’ na si Jovelyn Galleno ang buto na nakita

Matapos ang ilang linggo na paghihintay ay inanunsyo na ng NBI Palawan ang naging resulta ng DNA examination na kanilang ginawa sa kalansay na nakita kasama ang mga gamit ng graduating student na si Jovelyn Galleno.

Sa press conference na ginawa ng NBI Palawan nitong Septyembre 14 ay ipinaalam nila sa publiko na ang resulta ng DNA test ay positibong si Jovelyn ang nakita nilang kalansay sa Brgy. Sta Lourdes.

Ito rin ang inanunsyo ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang programa.

“Unfortunately, nakakalungkot po na positive na kay Jovelyn, ‘yun po ang ayon sa report ng NBI” ani Tulfo.

Ibig sabihin nito ay hindi totoo ang mga sinasabi ng mga manghuhula at ilang nagpapakilalang witness na buhay pa si Jovelyn.

Matatandaan na ang suspek na si Leobert Dasmariñas ang nagturo kung saan diumano nila itinapon ang gamit ni Jovelyn noong kinuha nila ito noong Agosto 5.

Nakita ang mga gamit ni Jovelyn sa lugar na itinuro ni Dasmariñas at mayroon din silang nakitang kalansay.

Ngunit bigla na lamang binawi ni Dasmariñas ang kanyang mga pahayag ng lumabas na nag-match kay Jovelyn ang DNA na nakuha ng mga miyembro ng PNP sa buto.

Sa ngayon ay inaasahan na magsasampa na ng reklamo ang pamilya Galleno laban kay Dasmariñas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular