Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesUnli swipe! Lolit Solis binigyan ng credit card ni Sen. Bong Revilla:...

Unli swipe! Lolit Solis binigyan ng credit card ni Sen. Bong Revilla: “Kahit anong gastusin ko raw!”

Ibinahagi ng talent manager at kolumnista na si Lolit Solis na biniyayaan siya ng kanyang alaga na si Sen. Bong Revilla ng credit card.

Ito’y sa gitna ng mga kinakaharap nitong problema sa kanyang kalusugan na labis diumano na nagbibigay ng lungkot sa kanya.

Ngunit dahil sa madami ang nagmamahal sa kanya ay wala diumano siyang nagagastos sa kanyang pagpapagamot at isa sa kanyang pinasalamatan ay si Sen. Revilla.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Solis na si Revilla ang sumagot sa lahat ng gastusin niya sa ospital.

Ngunit hindi pa tapos diumano ang tulong na ibinigay sa kanya ng senador dahil sa binigyan pa siya nito ng credit card na maaring gamitin ng talent manager upang bilhin ang mga gusto niya.

“Ang naloka ako, kay Bong Revilla. Talagang dumaan dito, ibinigay niya yung kanyang credit card—kahit anong gastusin ko raw, i-charge dun sa card. Di ba? Dyusko! Nahihiya na nga ako. Ano ba itong sakit na ito, parang fundraising?!” kwento ni Solis sa Philippine Entertainment Portal.

 

Hindi naman makapaniwala si Solis sa kanyang mga natatanggap na biyaya.

Sa ngayon ay dumadaan sa lingguhang dialysis ang 75-anyos na talent manager na ilang dekada din na nagsilbi sa showbiz at inidolo ng mga marites.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular