Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSuspek sa likod ng pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas...

Suspek sa likod ng pagkawala ni Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas dumaan na sa lie-detector test

Dumaan na sa polygraph o lie detector test ang pangunahing suspek sa pagkawala ng working student na si Jovelyn Galleno na si Leobert Dasmariñas.

Isinagawa ang lie-detector test sa mismong opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Puerto Princesa kung saan malapit sila Dasmariñas.

Malayo ito sa unang plano sana nila Dasmariñas na sa Maynila mismo gawin ang test.

Kasama ni Dasmariñas ang kanyang abogado na si Atty. Jason Abulon at ama niya.

Makikita rin na pinapirma ng ilang dokyumento si Dasmariñas bago naumpisahan ang polygraph test.

Nandoon din ang staff ng programa ni Sen. Raffy Tulfo na nag-request ng lie detector test.

Ayon naman sa NBI ay isasabay na lamang nila ang paglalabas ng DNA test result nila sa kalansay diumano ni Jovelyn at ang resulta ng lie detector test ni Dasmariñas.

Dismayado naman ang ilang netizens at hinala nila ay sa programa pa ni Tulfo ilalabas ng mga otoridad ang resulta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular