Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaPBBM, ibinahagi na ilang beses na siyang nakakita ng multo sa Malacañang

PBBM, ibinahagi na ilang beses na siyang nakakita ng multo sa Malacañang

Bago pa man maging kasalukuyang pinuno ng bansa ay halos dalawang dekada na nanirahan sa Malacañang si Presidente Bongbong Marcos Jr. sa ilalim ng termino ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Dahil dito ay isa na yata ang kasalukuyang pangulo sa may pinakamaraming maikukwento tungkol sa Malacañang, normal man o paranormal.

Sa programa ni Toni Gonzaga, ipinakita ni PBBM ang ilan sa mga lugar sa Malacañang at ang istorya na maari niyang maibahagi at kasama na dito ang mga kwento niya tungkol sa mga nakita niyang mga multo sa palasyo.

Sa gitna ng kanilang paglilibot ay ipinakita ni Marcos ang dating private dining room ng Malacañang kung saan ay kumakain sila ng kanyang pamilya.

Ipinakita niya ang dalawang kwarto kung saan maaring mamahinga ang ilang mga bisita sa palasyo at sinabi niya na iyon ang mga lugar kung saan nagpapakita ang mga multo.

“Ang dami nang nangyari, marami talaga dito. Things move when they’re not supposed to move kasi walang tao eh, pero makikita mo gumagalaw, tapos kapag dumadaan ka, bumubukas yung pintuan nang hindi mo ginagalaw,” sabi ni Marcos.

“It was late at night, alas dos ng umaga, we were just messing around. I tried to open that door and the door opened by itself, just before my hand arrived,” dagdag niya pa.

Ipinakita rin ni Marcos ang puno ng balete na itinayo sa harapan hardin ng Malacañang kung saan ay nasaksihan niya ang pag-aalay ng kanilang pamilya.

Matatandaan na maliban kay PBBM ay nagkwento din noon ang kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos ng kanyang hindi normal na karanasan kung saan nakita niya diumano ang dating mga pangulong Manuel L Quezon at Carlos Garcia.

Ito rin ang diumano’y isa sa mga dahilan kung bakit hindi piniling tumira ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mismong palasyo at mas pinili sa Bahay ng Pagbabago manirahan hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular