Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNetizen may banat kay PNP Chief Azurin: "Para talagang mas bagay siya...

Netizen may banat kay PNP Chief Azurin: “Para talagang mas bagay siya as CHR Chair”

Tila hindi nagustuhan ng isang kilalang pro-Duterte blogger ang naging pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin kung saan ay kontra ito sa pagtapos sa buhay ng mga masasamang loob.

Ayon kasi kay Azurin ay mas mainam na ilagay sa selda ang mga masasamang tao imbis na magkalat pa ng takot ang PNP.

Sa kanyang post, sinabi ni MJ Quiambao Reyes na tila mas bagay na mamuno sa Commission on Human Rights (CHR) si Azurin kaysa sa PNP.

“Is it just me or para talagang mas bagay siya as CHR Chair kapalit ni Chito Gascon.” ani Reyes.

“Sir, your mandate is to make this place safe for us law abiding citizens. At kung kinakailangang takutin o psy-war nyo ang mga kriminal tulad ng ginawa ng nakaraang admin, please do so.” dagdag niya pa.

Hiling ni Reyes ay sana’y hindi sayangin ni Azurin ang naumpisahan ng nakaraang administrasyon.

“Wag nyo naman po sanang hayaang bumalik tayo muli sa panahong kung saan kaming mga matitinong mamamayan ang takot maglakad sa kalye at silang mga kriminal at adik ang mamayagpag na naman sa lansangan.” pakiusap ng netizen.

Si Azurin ang kauna-unahang PNP chief na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Matatandaan na sa gitna ng pamumuno ni Azurin nangyari ang kaliwa’t kanan na pagkawala ng ilang indibidwal.

Sa gitna rin ng pamumuno ng kasalukuyang hepe ng PNP chief sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na walang ‘asim’ ang kapulisan at tila nanunumbalik na ang mga masasamang loob.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular