Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesKolumnista sa kinakaharap na isyu ni Herlene Budol: "Ang bilis lumaki ng...

Kolumnista sa kinakaharap na isyu ni Herlene Budol: “Ang bilis lumaki ng ulo”

Naniniwala ang kolumnista na si Cristy Fermin na hindi magtatagal sa showbiz ang Binibining Pilipinas 1st runner-up na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl.

Sa kanyang programa, sinabi ni Fermin na ang pagiging walang utang na loob diumano ni Hipon ang magiging dahilan ng pagbagsak ng career nito.

Ang binabanggit ni Fermin ay ang hindi diumano pagsama ni Hipon sa nagpasikat sa kanya na si Willie Revillame sa AllTV at mas pinili na pumirma ng kontrata sa GMA-7.

“Hindi niya siguro alam dito sa Philippine showbiz na ‘pag ikaw ay natatakan na ng kawalan ng utang na loob. Bababa at bababa ang imahe mo. Saka hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito,” sabi ni Fermin.

“May kakaiba, mayroon akong tulis na nakikita sa kanyang pagsasalita. Hindi laging nakakaaliw ang nagkokomedya na artista kung minsan we read between the lines. Kasi yung pagbasa natin sa pagitan ng kanilang mga salita, doon natin makikita kung anong klaseng tao ito,” dagdag niya pa.

Malakas ang kutob ni Fermin na magkakaroon ng problema si Hipon at ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa darating na panahon.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Hipon sa mga tirada sa kanya ni Fermin.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular