Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJV Ejercito, itinanggi na siya ang senador na nakabuntis ng kanyang staff

JV Ejercito, itinanggi na siya ang senador na nakabuntis ng kanyang staff

Mariing itinanggi ni Sen. JV Ejercito na siya ang senador na kumakalat ngayon sa ilang ulat na nakabuntis diumano ng kanyang staff.

Gamit ang kanyang Twitter, nagbigay ng tugon si JV sa isang netizen na sinabi na nakabuntis siya ng kanyang chief-of-staff kaya’t tahimik ito ngayon.

“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible.” ani Ejercito.

Larawan mula kay @jvejercito

Nag-post muli si Ejercito sa kanyang Twitter at muling itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ayon sa kanya ay mas maganda na siya na lamang ang pagtuunan ng pansin ng mga netizens at huwag na ang mga inosenteng tao.

“Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila. Be responsible.” sabi ng senador.

Ibinahagi niya rin ang mga larawan ng ilang staff niya sa senado upang unahan ang mga mag-iintriga sa kanya.

“Meet my appointment secretary, Meg Aviles. Baka siya naman sumunod na machismis!” biro ng senador.

Matatandaan na noong una ay si Sen. Chiz Escudero ang pinaghihinalaang nakabuntis ng kanyang staff na naging dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Heart Evangelista.

Ngunit ayon sa ilang mga nasa senado ay hindi naman daw si Escudero ang nakabuntis kundi ibang senador.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung totoo nga bang may senador na nakabuntis ng kanyang staff.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular