Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesIna ni Jovelyn Galleno sinabing hindi parin daw nila nakukuha ang buto...

Ina ni Jovelyn Galleno sinabing hindi parin daw nila nakukuha ang buto na diumano’y anak niya

Hanggang ngayon ay inaabangan parin sa social media kung ano nga ba ang resulta ng DNA examination na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kalansay na pinaniniwalaang si Jovelyn Galleno.

Sa ngayon ay kasama sa mga naghihintay ang ina ni Jovelyn na si Jelyn Galleno na kasalukuyang nasa opisina ng NBI sa Palawan.

Inaasahan na ang pamilya Galleno ang unang makakaalam ng resulta ng DNA.

Sa panayam sa kanya ng media, sinabi ni Mrs. Galleno na wala siyang nararamdaman sa gitna ng resulta na inilabas ng NBI.

“Wala ho akong nararamdaman,” ani Mrs. Galleno.

Sinabi rin nito na ni isang piraso ng buto diumano ni Jovelyn ay hindi man lang naibalik sa kanila.

Wala parin sa ngayong plano ang pamilya Galleno dahil kahit sila ay naghihintay parin sa resulta.

Tila hindi narin sigurado ni Mrs. Galleno kung buhay pa talaga ang kanyang anak katulad ng sinasabi ng ilang manghuhula at vloggers na nagkalat sa social media.

Sa ngayon ay sinabi naman ng ina ni Jovelyn na medyo natatanggap niya na rin unti unti ang posibilidad na wala na ang kanyang anak.

Samantala ay sinabi ng NBI na isasabay na lamang nila ang pag-anunsyo ng resulta ng DNA sa resulta ng lie-detector test na ni-request ni Sen. Raffy Tulfo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular