Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesGuro na tinawag na mahina ang ulo ang kanyang estudyante, inireklamo ng...

Guro na tinawag na mahina ang ulo ang kanyang estudyante, inireklamo ng magulang

Nanganganib na masuspinde sa pagtuturo ang isang guro sa Palawan matapos nitong sabihan ang kanyang estudyante na ‘b*b*’.

Inireklamo ng magulang na si Estherlita Rizang ang guro na si Eduardo David matapos nitong pagsalitaan ng masama ang kanyang anak na grade 6 student.

Hindi lamang diumano isang beses sinabihan ni David ang kanyang estudyante ng masamang salita kaya naman nagdesisyon na si Rizang na magsampa ng reklamo.

Dahil diumano sa sinabi ni David sa biktima ay hindi na ito pumapasok ngayon sa eskwela.

Maliban sa masasamang salita ay diumano’y pinupukpok pa ng ballpen ni David ang estudyante niya.

Dahil dito ay madalas na diumanong maging magugulatin ang estudyante kapag siya ay tinatawag ng kanyang mga magulang.

Nagkaharap na si David at ang mga magulang na nagrereklamo sa kanya ngunit ipagpapatuloy parin diumano Department of Education (DepEd) Palawan ang imbestigasyon.

Ayon naman kay Public Information Officer Dep ED Ms. Mylyn Dilig ay hirap diumano magbagal magbasa ang biktima na hindi naman nagustuhan ni David.

Samantala ay humingi naman ng paumanhin ang guro sa kanyang nagawa.

Sa kanyang Facebook post ay nagbahagi naman ng isang video si David na mensahe para sa mga magulang na lagi na lamang inirereklamo ang mga guro.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung ano ang maaring maging kaparusahan ni David.

Ngunit kung titignan ang Child Protection Policy na ipinapatupad ngayon ng DepEd ay maaring masuspinde sa pagtuturo si David.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular