Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesEfren "Bata" Reyes, nagsalita matapos salakayin ng mga pulis ang bilyaran na...

Efren “Bata” Reyes, nagsalita matapos salakayin ng mga pulis ang bilyaran na nilalaruan niya

Madami ang nag-alalang netizens matapos nilang mapanood ng live ang pagsalakay ng mga otoridad sa bilyaran na nilalaruan ng ‘greatest pool player of all time’ na si Efren “Bata” Reyes.

Nangyari ang pagsalakay ng mga otoridad sa kabubukas pa lamang na bilyaran sa Sto. Tomas City, Batangas nitong Septyembre 13 kung saan nakalaban ni Reyes si Charlie “Lapuk” Rasco.

Isa si Reyes sa mga special guest ng nasabing bilyaran.

Sa panayam ay sinabi ni Police Leiutenant Colonel John Eric Antonio, Officer-in-Charge ng Sto. Tomas City PNP na nagkaroon diumano ng paglabag sa social distancing ang mga nasa bilyaran kaya naman sinalakay nila ito.

Nalaman din nila na may nangyayaring iligal na pustahan sa gitna ng laro nila Reyes at Rasco.

Nakuha ng mga pulis ang pera na aabot sa P14,000 na mula diumano sa pustahan ng mga nanonood sa laban.

Nilinaw naman nila na inimbitahan nila ang billiard legend sa presinto ngunit pinauwi rin nila ito matapos kausapin.

Hindi naman daw alam ni Reyes na mayroong pustahan na nagaganap.

Iginiit din nila na normal lamang na padapain ang kapkapan ang mga tao sa gitna ng operasyon nila.

Sa ngayon ay 19 na katao kasama na ang isang menor de edad sa mga haharap sa reklamo.

Samantala ay sinabi ni Reyes na naiintindihan niya ang mga otoridad kung bakit nila nagawa na salakayin ang bilyaran.

“Gunun din doon, yung mga tao ayaw papigil. Distance naman yung gusto nila maglayo-layo, ayaw nilang papigil. Lalong dumadami, nagalit yung ano… yung mga pulis,” aniya.

Mag-iingat nalang din diumano si Reyes sa mga mag-iimbita sa kanyang mga bilyaran.

“Hindi naman nawawalan talaga ng maraming tao, player nila magaling pa, pumupusta yung mga tao. Kami naman, hindi naman eh, bayad nga ako doon. Papaalam na lang sa munisipyo kung puwede, kung paano makakapaglaro kami kahit maraming tao. Dapat ipaalam ng mga organizer,” sabi ng billiard legend.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinalakay din ang nilalaruang bilyaran ni Reyes dahil sa social distancing.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular