Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesArnold Clavio, magsosoot parin ng face mask bilang paalala: 'Ito ang mukha...

Arnold Clavio, magsosoot parin ng face mask bilang paalala: ‘Ito ang mukha ng korapsyon sa gitna ng pandemya’

Patuloy parin diumanong magsosoot ng face mask ang mamamahayag na si Arnold Clavio.

Ito ay kabila ng executive order no. 3 ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung saan ay ginagawa ng optional ang pagsosoot ng face mask sa open faces at non-crowded areas.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Clavio na ang kanyang patuloy na pagsosoot ng face mask ay hindi lamang para sa kanyang proteksyon kundi bilang isa naring protesta na nagpapaalala na ito ang isa sa mga naging “mukha ng korapsyon” sa gitna ng pandemya.

“Sinamantala ng marami – gobyerno , negosyante , medical practitioner , on line seller , scammer – para magbenta ng mahal na face mask at kumita ng daang milyong piso. Hindi ko hahayaan na sa kanila ang huling halakhak,” ani Clavio.

“Samahan ninyo ako sa patuloy na pagsusuot ng face mask , na bukod sa proteksyon , ay mapatunayan nating mga pilipino na hindi tayo madaling makalimot sa mga taong walang pusong nanamantala sa ating kahinaan . At humantong sa pagkakakulong ng ilan dahil yan ang katarungan,” dagdag niya pa.

“Sana ang pagsusuot ng face mask ay magsilbing tahimik na pagbabantay pa rin sa mga magtatangka na gamitin pa rin ang pandemya para magpataba ng bulsa,”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan­čśÄ (@akosiigan)


Sa ngayon ay mayroon ng libo libong likes ang nasabing post ni Clavio sa social media.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular