Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesPolitical strategist, ikinumpara ang unang araw ni PBBM kay Duterte: "Hindi ko...

Political strategist, ikinumpara ang unang araw ni PBBM kay Duterte: “Hindi ko nararamdaman ang Pangulo”

Isang tanyag na political strategist ang hindi maiwasan na malungkot dahil kung pagkukumparahin ay tila hindi nararamdaman ang unang 100 araw ni Pangulong Bongbong Marcos kumpara kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa kanya, inamin ni Publicus Asia Founder at CEO Malou Tiquia na kasalukuyan siyang malungkot at nakukulangan sa performance ni Marcos Jr sa kanyang unang mga araw bilang presidente.

“Hindi ako masyadong satisfied kasi hindi nararamdaman ng taong bayan ang pamahalaan… Noong day 1 pa lang ni President Duterte talagang sinabi niya ang babanggain niya.” ani Tiquia.

“Sinubukan niya yung mga ‘pula’ sa gobyerno, naramdaman kaagad kasi ng taong bayan yung pagkakaiba ni Duterte… hindi ko nararamdaman ang Pangulo [Marcos].” dagdag pa ni Tiquia.

Sinabi ito ni Tiquia sa kung ano ang kanyang opinyon sa unang 100 araw ni Marcos na binoto ng napakaraming Pilipino noong nakaraang halalan.

“Ako’y nalulungkot dahil absolute majority itong pangulong ito, eh,” sabi niya pa.

Ayon sa political strategist ay mahalaga ang unang 100 araw ng isang pamumuno upang malaman kung magiging matagumpay ba ang kanyang magiging administrasyon.

“Sa governance, yung first 100 days sets the stage for the succeeding. So first 100 days, six months, one year. Yun ang milestone na tinitingnan mo. So mahirap yung sasabihin na, ‘ah hindi, maghintay tayo at sa sa susunod mag-iiba rin yan.” ani Tiquia.

“Mahalaga yun na nakikita ng taong bayan at nararamdaman na ito yung binoto ko, di ba?” dagdag niya pa.

Wala pang tugon ang Malacañang sa opinyon ni Tiquia.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular