Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaMag-asawa na hindi na halos maaninag sa mga wedding photos, tinulungan ng...

Mag-asawa na hindi na halos maaninag sa mga wedding photos, tinulungan ng ilang netizens

Hindi naitago ng isang mag-asawa ang pagkadismaya matapos nilang makita ang mga larawan na kuha ng kanilang binayarang ‘professional photographer’ para sa kanilang kasal.

Sa kanyang reklamo, hindi naitago ng bride na si Caren ang pangagalaiti sa photographer na kanilang binayaran dahil makikita na hindi halos maaninag ang mga tao sa nasabing mga larawan dahil kung hindi ito sobrang liwanag ay sobra naman itong dilim.

Ayon pa sa kanya ay apat na buwan silang naghintay bago makuha ang mga nasabing larawan.

“We did understand and when finally after all this months of waiting we were happy that we already got what we want,but u know when we start looking at the photos it looks like all of u are playing it was very dissapointing and it looks like u look down on us and think that were idi*t! WE PAY SO WE DESERVE TO COMPLAIN IF WE DONT LIKE THE OUTCOME OF YOUR JOB,I WAS VERY VERY DISSAPOINTING,” sabi ni Caren sa kanyang post.

Ilang netizens naman ang sinubukan na sagipin ang ilang larawan na kuha sa kasal ni Caren na ikinatuwa naman ng bride.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Fin Paguio Jr. Photography ang ilan sa mga niremedyohan niyang larawan na kuha sa kasal ni Caren.

Maganda naman ang kinalabasan nito at nagpasalamat din ang bride sa pagtulong sa kanya ng photographer.

Wala pang opisyal na pahayag ang photographer na inirereklamo ng mag-asawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular