Wednesday, October 5, 2022
HomeSportsEfren "Bata" Reyes at ilang naglalaro ng bilyar, ni-raid ng mga otoridad

Efren “Bata” Reyes at ilang naglalaro ng bilyar, ni-raid ng mga otoridad

Isang masayang laro ng bilyar ang nauwi sa kaguluhan matapos biglang magdeklara ng raid ang mga otoridad.

Sa isang video na ibinahagi ni Resty Teng, makikita na naglalaro ang billiard legend na si Efren “Bata” Reyes laban kay Charlie “Lapuk” sa Santo Tomas, Batangas ng biglang dumating ang mga otoridad at pinadapa ang mga nanonood.

Maririnig sa background ng video ang paulit ulit na pagsigaw ng mga otoridad ng ‘dapa’ at may ilan pa sa mga otoridad na naririnig na minumura ang ilan sa mga nahuli nila.

Makikita naman si Reyes na agad na pinalibutan ng kanyang mga kasamahan at pinaupo sa tabi.

Nanatili namang kalmado si Reyes hanggang sa maputol ang video.

Matatandaan na hindi lamang ito ang unang beses na ni-raid ang isang laro ng billiard legend na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Noong Marso 2021 ay hinuli rin si Reyes dahil sa diumano’y paglalaro ng bilyar ng walang permit mula sa LGU.

Itinanggi naman ng mga otoridad noon na hinuli nila si Reyes at pinagsabihan lamang nila ito at pinauwi rin kalaunan.

Wala pang pahayag ang mga otoridad o si Reyes tungkol sa nangyari.

Hindi naman maitago ng mga netizens ang kanilang pagkadismaya nila dahil sa tila trato ng mga kapulisan kay Reyes.

“Yan lng kaya mga walang padrino.. at ung small time.. tagal na may bilyar sa pilipinas hindi naman hinuhuli… Nagutom ata ang mga buwaya..” sabi ni Christopher Mendoza.

“Dami pwedeng hulihin eh hahahaha talo siguro amo hahhaaha,” ani Daryl Torres.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular