Monday, October 3, 2022
HomeCelebrities'BFF' ni Ales Vodisek na si Shaira Mae Boyonas, ipinakilala ang bagong...

‘BFF’ ni Ales Vodisek na si Shaira Mae Boyonas, ipinakilala ang bagong ‘boyfriend’ na si Lewis

Ilang araw na pinag-usapan sa social media ang isyu sa pagitan nila Slovenian national Ales Vodisek at asawa nitong Pilipina na si Jorryme Vodisek.

Matatandaan na nag-ugat ang isyu sa pagitan ng mag-asawa dahil sa best friend ni Ales na si Shaira Mae Boyonas na diumano’y dikit ng dikit sa Slovenian national kahit na sa mismong kasal nito.

Itinanggi naman ni Shaira Mae ang mga akusasyon laban sa kanya ni Jorryme at sinabi na kaibigan niya lamang talaga si Ales.

Hindi naman naging maganda ang katapusan ng relasyon ni Ales at Jorryme dahil sa umuwi na ang foreigner sa kanyang bansa habang si Jorryme naman ay naiwan sa Pilipinas.

Ngunit tila kabaliktaran naman ang nangyari kay Shaira Mae dahil sa diumano’y nakahanap na ito ng kanyang kasintahan na isa ring foreigner.

Sa kanyang Youtube channel, ipinakita ni Shaira Mae ang foreigner na si Lewis na tila mas bata sa kanyang bestfriend na si Ales.

Halata naman ang pagiging malambing ng dalawa sa isa’t isa kaya naman hindi maiwasan na matuwa ng mga subscriber ni Shaira Mae.

“SO HAPPY FOR YOU SHAIRA <3 SO POSITIVE IN LIFE …TAKE CARE HUGSS TO YOUR BABY <3” sabi ni Virtual Hobbies PH.

“Have fun Inday Shaira at yang Kasama mo❤️Ganyan lagi para mas masaya and always think positive on your youtube,” sabi ni DL Lifes23Vlogs.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular