Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAgot Isidro, may bwelta sa netizen na tinawag siyang mukhang nasa 'funenaria'

Agot Isidro, may bwelta sa netizen na tinawag siyang mukhang nasa ‘funenaria’

Nagbigay ng tugon ang aktres na si Agot Isidro matapos siyang tawagin ng isang netizen na ‘funenaria look’ sa kanyang black and white na larawan.

Ibinahagi ni Agot ang nasabing larawan noong Septyembre 10.

“So Sino ang tataasan natin ng kilay today?” tanong ni Agot sa kanyang tweet.

Larawan mula kay @agot_isidro

Isang netizen naman ang sinabi na gumamit ng black and white filter si Agot upang hindi mahalaga na ‘funenaria’ look’ na ang aktres.

“Sa sobrang walang pera, sa embalsamador nagpa-makeup ang poor na matanda.” ani @BenjPagt.

“Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look.” dagdag niya pa.

Sumagot naman si Agot at ibinahagi ang parehong larawan na walang black and white filter.

“Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. In full color. Kasi ang idea nyo ng gwapo ay si S***** *****s,” sabi ng aktres.

Umabot naman ng libo libong reaksyon sa social media ang post ni Agot at ang ilan ay inawat ito.

“Huwag mo na papatulan madam yang mga nonsense na bashers mo po! Hayaan mong mamatay cla sa inggit sa beauty mo po! Mostly sa mga trolls mga PANGIT!” sabi ni netizen @aries_dragon_

Isa si Agot sa mga kilala tagasuporta ng oposisyon kaya naman hindi talaga ito nakakaiwas na mabatikos ng ilang sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular