Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, may balita tungkol sa mga 'trolls: "Balita ko nagkakabawasan na...

Ogie Diaz, may balita tungkol sa mga ‘trolls: “Balita ko nagkakabawasan na daw ng paid trolls”

Hindi parin matigil tigil ang usapin at akusahan kung kanino nga bang kampo ang mayroong mga ‘paid trolls’ kahit na tapos na ang halalan.

Sa isang tweet, sinabi ni Ogie Diaz na nagkasagap siya ng isang impormasyon tungkol sa mga diumano’y bayaran na trolls at sinabi na nababawasan na diumano ang mga ito.

Ayon kasi sa kanya ay hindi na diumano kinakailangan ng madaming trolls kaya’t ang ilan ay hindi na nabayaran.

“Balita ko, nagkakabawasan na raw ng paid trolls, dahil di na raw masyado kailangan ang “maintenance.” Yung iba, di pa nakakasuweldo, andami na raw nilang paninirang ginawa sa kalaban, waley pa din daw sweldo. Eh kasalanan nyo yan, sinimulan nyo sa mali.” wika ng talent manager.

Screencap ng tweet mula kay Ogie Diaz

Matatandaan na kaliwa’t kanan ang palitan ng sisihan ng mga iba’t ibang kampo kung sino nga ba ang mayroong mga binabayarang mga trolls para ipagtanggol ang kanilang mga manok nitong nakaraang halalan.

Nag-umpisa ang usapin ng mga troll sa Pilipinas noong 2016 matapos akusahan ng ilang kampo si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabayad ng mga ‘trolls’ para pabanguhin ang pangalan nito.

Ngunit nagkaroon din ng akusasyon ang mga tagasuporta ni Duterte laban sa kalaban nito noong halalan 2016 na si Mar Roxas na diumano’y mayroong ‘online warriors’ na sinasanay.

Ibinahagi ng blogger na si RJ “Thinking Pinoy” Nieto sa kanyang artikulo ang larawan na kuha sa diumano’y seminar ng “MAR online warriros’

Hindi naman malaman kung binabayaran ba ang mga nasabing ‘online warriors’ na dumaan sa seminar.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular