Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJorryme Vodisek at Ales, nag-usap na muli at ibinahagi ang G-Cash niya...

Jorryme Vodisek at Ales, nag-usap na muli at ibinahagi ang G-Cash niya sa mga netizens

Nag-usap na muli ang mag-asawa na sina Jorryme Vodisek at slovenian national na si Ales matapos ang ilang linggo na pagpi-piyesta sa kanila ng mga netizens.

Sa kanyang post sa social media ay makikita na tila nagkakatawagan na muli si Jorryme at ang kanyang foreigner na asawa.

Makikita rin dito ang isang sanggol na hindi malaman kung ano ang relasyon kay Ales at Jorryme.

“I LOVE YOU BOTH,” sabi ni Jorryme sa kanyang post.

Samantala ay nanghingi rin ito ng donasyon sa mga netizens na gustong mangialam sa kanyang buhay.

?AMBAG MUNA KAYO GCASH SA GUSTONG MANGIALAM NG BUHAY KO SINCE WALA NA AKONG TRABAHO DAHIL NAGPAPAGALING PA PO AKO. YOU CAN DONATE PISO (1 PESO)THANK YOU AND GODBLESS,” sabi niya pa.

Matatandaan na hindi naging maganda ang katapusan ng relasyon nila Jorryme at Ales dahil sa pagseselos ng babae sa best friend ng foreigner na si Shaira Mae Boyonas.

READ MORE: Shaira Mae Boyonas sa asawa ng kanyang ‘bestfriend’ na foreigner: “Isipin mo nag-suffer din ako”

Umani ng reaksyon sa libo libong mga netizens ang nasabing isyu at naitampok pa ang istorya nila sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ibinahagi ni Jorryme kung gaano kabilis siyang nahulog kay Ales.

Tumanggi na magbigay ng panayam si Ales na umuwi na sa kanyang bansa dahil sa tindi ng publicity na natanggap ng isyu na ibinabato sa kanya.

Sa kanyang huling paliwanag, sinabi ng foreigner na hindi niya pinakasalan si Jorryme para sa pansariling interes at hinimok din niya ang kanyang asawa noon na huwag ng mangutang ng mangutang.

READ MORE: Ales Vodisek, umuwi na sa Slovenia at may mensahe kay Jorryme: “I tell you that you are not allowed to take the loans,”

Hindi pa malaman kung nabayaran an nga ba ni Jorryme ang mga utang niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular