Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDating abogado ni Leni Robredo sa mga nambo-boycott sa Delimondo: "Wag niyo...

Dating abogado ni Leni Robredo sa mga nambo-boycott sa Delimondo: “Wag niyo sabihing ‘hindi masarap'”

May mensahe ang electoral lawyer na si Emil Marañon sa mga ‘Kakampinks’ na bino-boycott ang Delimondo na pagmamay-ari ng pamilya Enrile.

Sa kanyang tweet, pinaalala ni Marañon sa mga netizens na ayos lamang na i-boycott ang Delimondo ngunit huwag naman nilang sabihin na ‘hindi masarap’ ang produkto na ibinebenta ng mga Enrile.

“Boycott or cancel niyo ang Delimondo dahil sa prinsipyo, pero huwag niyo namang sabihing “hindi masarap” kasi deep inside alam nating lahat na hindi totoo.” sabi ni Marañon sa kanyang tweet.

Ito rin ang sabi ng mamamahayag na si Christian Esguerra na isa sa mga kritiko ng mga Marcos.

“Masarap lalo ‘yung caldereta corned beef,” aniya.

Tiis tiis muna diumano ang mga Kakampink sa hindi pagbili ng Delimondo.

Matatandaan kasi na naging uso muli sa Twitter ang pambo-boycott sa Delimondo dahil sa pagiging konektado ng mga Enrile sa mga Marcos.

Si dating senate President Juan Ponce Enrile ang kasalukuyang chief presidential legal counsel ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Nakiusap si Katrina Ponce-Enrile na anak ng dating senador na huwag na sanang idamay pa ang kanilang produkto sa away politika.

READ MORE: Katrina Ponce-Enrile, nakiusap sa mga netizens na huwag isama sa politika ang ‘Delimondo’

“Delimondo is known for their corned beef, but we do have other products equally as good as our corned beef. Can we not make this political. I created Delimondo. My family name just happened to be Ponce Enrile,” ani Ponce-Enrile.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular