Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesCristy Fermin, ibinahagi ang diumano'y halaga ng kontrata ng Toni Gonzaga sa...

Cristy Fermin, ibinahagi ang diumano’y halaga ng kontrata ng Toni Gonzaga sa AllTV

Ibinunyag ng kolumnista na si Cristy Fermin kung magkano nga ba ang halaga ng kontrata na pinirmahan ng aktres at tv host na si Toni Gonzaga sa AllTV na pagmamay-ari ng pamilya Villar.

Sa kanyang programa nitong Septyembre 12, sinabi ni Cristy na aabot diumano sa kalahating bilyong piso ang kontrata ni Toni sa nasabing istasyon.

Hindi naman maiwasan ng kolumnista na mapaisip kung ilang taon at ilang programa ba ang makukuha ni Toni sa AllTV para makatanggap ito ng ganoong kalaking kontrata.

“Alam mo na, it’s all over the papers, na ang kontrata raw na pinirmahan ni Toni Gonzaga sa AMBS-2, sa AllTV, ay half bilyon pesos o 500 million. Pang ilang programa kaya ito? Alam ko dalawa eh, baka madadagdagan,” ani Nay Cristy.

Napa “Sana All” na lamang ang co-host ng kolumnista na si Rommel Chika.

Ngunit hindi parin diumano matatalo ni Toni ang kontrata na natanggap ni Sharon Cuneta sa TV5 na umabot daw ng isang bilyong piso.

“Teka muna, hindi bago ito. Kung matatandaan mo, ilang taon na ang nakararaan nang pumirma ng kontrata si Sharon Cuneta sa TV5, 1 billion yun, 1 billion pesos ang halaga nun. Kaya yun ang talagang umalingawngaw,” sabi ni Cristy.

Sa ngayon ay ang television version ng ‘Toni Talks’ ang isa sa mga programa ng aktres sa AllTV kung saan ay una nitong makakapanayam si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular