Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesCDO nalang kami imbis Delimondo! Netizens sinabi na solid 'Kakampink' ang nasabing...

CDO nalang kami imbis Delimondo! Netizens sinabi na solid ‘Kakampink’ ang nasabing kumpanya

Ilang ‘Kakampink’ ang nagpakita ng suporta ngayon sa mga produkto ng CDO sa gitna ng paghahanap nila ng alternatibong food product na ipapalit nila sa Delimondo na pagmamay-ari ng mga Enrile.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni @fuguo ang isang artikulo mula sa Bilyonaryo tungkol sa pagbibigay ng walong toneladang meat products ng CDO para sa Leni-Kiko rally sa Batangas.

“Oo, masarap ‘yung products [Delimondo] nila, pero may iba namang alternative na masarap din like ‘yung Highlands Corned Beef ng CDO. CDO is certified Kakampink,” sabi ni @fugou.

Kinumpirma naman ng isang Facebook page na totoo nga na namigay ang CDO ng meat products sa mga pumunta sa rally ng Leni-Kiko sa Batangas noong Abril 30.

“Oh ha? May libreng pa hotdog pa?┬áSalamat Mr. Jerome Ong of CDO.” sabi ng page.

Si Jerome Ong ang President at CEO ng CDO Foodsphere Inc.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang CDO kung certified Kakampink nga ba sila katulad ng Ligo Sardines na ibinenta na nitong 2021 sa ibang kumpanya.

Kung ikukumpara ay mas maka-masa ang presyo ng CDO kung saan ay ang corned beef nito ay umaabot sa presyo na 20-50 pesos ang halaga depende sa size.

Mayroon ding inaalok ang CDO na High Lands Corned Beef na nagkakahalaga ng 51-160 pesos.

Habang ang Delimondo corned beef naman ay 90-120 pesos na maituturing na para lamang sa mga mayroong budget.

Hindi naman maikakaila na masarap at maituturing na world class ang Delimondo kaya’t hindi na iniisip ng mga bumibili nito ang presyo ng corned beef ng mga Enrile.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular