Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAljur Abrenica at iba pang cast ng pelikulang 'Mamasapano' kinasuhan ng mismong...

Aljur Abrenica at iba pang cast ng pelikulang ‘Mamasapano’ kinasuhan ng mismong SAF

Hindi nagustuhan ng mismong Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ang ginawa ng mga nasa likod ng pelikulang ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ na tungkol sa sakripisyo na ginawa ng SAF44 noong 2015.

Sa isang press conference, ibinunyag ng producer ng pelikula na si Atty. Ferdinand Topacio na nagsampa ang SAF ng demanda laban sa mga bida ng Mamasapano na sina Aljur Abrenica, Paolo GUmabao, Rico Barrera at iba pa nilang cast na nagsoot ng uniporme ng kapulisan.

Ayon kasi sa PNP ay walang permiso ang ginawang paggamit ng uniporme at insignia ng SAF sa pelikula.

Ngunit itinanggi ni Topacio na hindi sila nagpaalam sa PNP tungkol sa nasabing pelikula.

Iginiit ng abogado at producer ay mayroon siyang permiso sa dating hepe ng SAF na si Gen. Armando Empiso na gamitin ang insignia ng SAF para sa pelikula.

“Yung film namin ay para i-glorify yung kabayanihan ng SAF. Dinemanda kami ng SAF! Alam niyo kung ano ang demanda? Illegal use of uniform and insignia.” pagbubunyag ni Topacio.

“Ipinakita namin sa kanila dun sa piskalya. Eto, may permiso kami kay Gen. Empiso. Ano ba yung mga pinagsasabi niyo? Hindi niyo yata alam ang ginagawa niyo?” dagdag niya pa.

Hindi naman diumano nagustuhan ng mga aktor ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ng PNP kahit na ang pelikulang ito ay tungkol sa kabayanihan ng SAF.

“‘Ang mga taong ito ay nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para ipakita ang kabayanihan ng SAF… idedemanda niyo?’ aniya.

Nagbigay naman ng mga abogado si Topacio sa mga kinasuhan na cast ng kanyang pelikula.

Ipapalabas ang Mamasapano sa Nobyembre.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular