Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaLalaki nagwala dahil nadumihan ang soot niya: "3,500 itong pantalon ko, yung...

Lalaki nagwala dahil nadumihan ang soot niya: “3,500 itong pantalon ko, yung damit ko tatlong libo!”

Usap-usapan sa social media ang video ng isang lalaki na sinigawan at sinugod pa ang crew ng isang convenience store sa China Roces, Makati.

Sa video na ibinahagi ni Dav Lau, makikita ang lalaki na nagsisisigaw at nagwawala dahil sa nadumihan ang kanyang kasootan na nagkakahalaga ng libo libong piso.

“3,500 ang pantalon ko, ‘yung damit ko tatlong libo,” sabi ng lalaki.

Makikita pa sa mga sumunod na eksena ang pagsugod ng lalaki sa crew ngunit agad naman itong naawat ng iba pang trabahador ng convenience store.

Sa mga natirang parte ng video ay makikita ang pagkalma ng lalaki at tila sa huli ay nagkaayos din ang dalawa.

Ayon sa uploader ay nasagi ng bagong pintura sa convenience store ang lalaki na naging dahilan upang magwala ito.

“Si Kuya nakaWhite obvious naman na nagpaPaint sa loob ng ministop dumikit sa parteng bagong pintura.┬áDahil sa hindi sya nagiingat sinisi nya sa staff ng Ministop.┬áNakakalungkot lang isipin bat may mga taong ganito tas gusto pang ipamukha sa staff yung pagkakamali nya na di sya nagiingat.” sabi ni Lau.

“Sana wag namn pong ganun di po nakakayaman ang kayabangan at pagiging pabaya mo sa aarili mo sir.” dagdag niya pa.
Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular