Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJohn Lloyd Cruz nagpasalamat kay Derek Ramsay: "Four years old pa lang...

John Lloyd Cruz nagpasalamat kay Derek Ramsay: “Four years old pa lang si Elias pero parang matured na”

Nagpasalamat ang aktor na si John Lloyd Cruz kay Derek Ramsay dahil sa pag-aalaga nito sa kanyang anak na si Elias.

Si Derek ang stepfather ng anak ni John Lloyd sa aktres na si Ellen Adarna.

Sa vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni John Lloyd na wala siyang sama ng loob kay Derek at hindi naman siya nahihirapan na kunin si Elias kapag gusto niya.

“Oo naman, kapag gusto ko naman hiramin yung anak ko, nahihiram ko naman,” ani John Lloyd.

Nagpasalamat din ito dahil maayos ang pagpapalaki ni Derek kay Elias.

“’Ang [ganda] ng ginagawa ni Derek para sa anak ko. Four years old pa lang [si Elias] pero parang matured na. Kung hindi ganun si Derek, hindi ko alam kung anong ugali ngayon ni Elias,” sabi pa nito.

Nilinaw din nito na maganda rin ang kanyang relasyon ngayon kay Ellen.

Matatandaan na kinuwestiyon noon ng mga netizens ang pagiging ikalawang ama ni Derek kay Elias.

Ayon kasi sa netizen ay maari diumanong hindi natutuwa si John Lloyd sa madalas na pagsama ni Elias kay Derek.

READ MORE: Single mom, pinuna ang sila Ellen Adarna at Derek Ramsay dahil lagi nilang kasama ang anak ni John Lloyd: “I never respected the father of my child”

Ngunit sa kasalukuyang pahayag ni John Lloyd ay tila nasagot na ang mga agam-agam ng mga netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular