Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesAnyare? Jorryme Vodisek, ipinagtanggol bigla ang asawa na si Ales: "He is...

Anyare? Jorryme Vodisek, ipinagtanggol bigla ang asawa na si Ales: “He is the real victim here,”

Tila nagbago bigla ang ihip ng hangin at ipinagtatanggol na ngayon ni Jorryme Vodisek ang kanyang Slovenian na asawa na si Ales ilang linggo matapos silang mag-viral sa social media.

Nitong Septyembre 11, nagbigay ng mensahe si Jorryme sa mga netizens na tigilan na ang ginagawa nilang pambabatikos at meme laban kay Ales dahil diumano ang foreigner ang totoong biktima sa nangyayari.

“PLEASE LISTEN VERY WELL SO I WILL NOT HAVE TO EXPLAIN AGAIN AND AGAIN ONE BY ONE. STOP POSTING STOP MAKING MEMES AND JOKES THST ARE NOT FUNNY ABOYT ALES . HE IS INNOCENT. HE IS THE REAL VICTIM HERE AMONG THE THREE OF US,” ani Jorryme.

Nagbabala din si Jorryme sa mga netizen na ipagpapatuloy ang ginagawa nila laban sa kanyang pinakamamahal na Slovenian.

“YOU’LL SEE THE CONSEQUENCE TO THOSE PEOPLE STILL POSTING AND MAKING FUN OF ALES VLOG. DON’T YOU DARE MAKE ME MAD. PLEASE. YES, I STILL LOVE MY HUSBAND. I DO . AND I WILL FOREVER LOVE HIM FOREVER AND EVER. NO ONE CAN CHANGE THAT,” wika niya pa.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang istorya ni Jorryme, Ales at ang best friend ng foreigner na si Shaira Mae Boyonas.

Itinampok pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang nasabing istorya ngunit tila nawalan ng simpatya ang mga netizens matapos ihayag ni Jorryme kung gaano kabilis siyang na-inlove sa foreigner.

Samantala ay ipinaliwanag din ni Ales na hindi ang best friend niya ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kundi sa diumano’y pagtanggi ni Jorryme na magpatingin sa doktor.

“You cannot go better until you get medication,” wika ni Ales.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular