Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaAles Vodisek, umuwi na sa Slovenia at may mensahe kay Jorryme: "I...

Ales Vodisek, umuwi na sa Slovenia at may mensahe kay Jorryme: “I tell you that you are not allowed to take the loans,”

Pumalag si Ales Vodisek sa kanyang asawa na si Jorryme matapos ipalabas sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kanyang istorya.

Sa kanyang video, ibinahagi ni Ales na umuwi na siya sa Slovenia matapos ang isyu na kinasangkutan niya.

Tinawag din na ‘serial liar’ ni Ales si Jorryme at ipinaliwanag din nito na hindi siya pabor sa pag-utang ng kanyang asawa para lamang may maitustos sila sa kanilang kasal.

Ayon kasi sa kanya ay wala namang pera na maipambabayad si Jorryme sa mga inuutang niya ngunit patuloy niya parin itong umutang.

“I tell you that you are not allowed to take the loans. I officially and I say to you that you’re not allowed to take any more loans because you have a lot of loans,” paliwanag ni Ales.

Ibinunyag din ni Ales na planado na ni Jorryme at ng pamilya nito ang pagbili ng lupa, bahay at iba pang kagamitan gamit ang pera nilang mag-asawa. Ngunit hindi na ito matutuloy dahil sa paghihiwalay nila.

Itinanggi rin niya Ales na pinakasalan niya si Jorryme upang manirahan ng matagal sa Pilipinas dahil ayon sa kanya ay maari naman daw siyang mag-stay sa bansa ng tatlong taon.

“There’s no point for me to get married just for visa, it’s pointless that I’m there for visa and I’m not running from anybody, everybody knows where I am, you cannot hide from my country they have a very sufficient method of tracking the citizens,” aniya.

Nagreklamo din ito dahil hindi man lang daw siya ipinagluluto ni Jorryme at puro painit na lamang ang kanilang kinakain.

“I buy the food and you just reheat it, regrilled it or refried, you don’t know how to cook and you don’t know how to clean and you see your dishes that you put it there it’s dirty from you and you immediately create another lie that other people was there,” sabi pa ng foreigner.

Iginiit naman ni Ales na sinubukan niyang maging mabuti kay Jorryme ngunit naisip nito na hindi na talaga magbabago ang kanyang asawa.

“You cannot really know the person in such a short time,” sabi ni Ales.

Hiniling naman ni Ales na sana’y ito na ang kanyang huling pagpapaliwanag tungkol sa isyu.

Samantala ay tila nagbago ang ihip ng hangin matapos sabihin ni Jorryme na si Ales ang biktima sa nangyayaring isyu.

Hindi naman malaman kung may kinalaman ba ang bagong pahayag ni Ales kaya’t nagbago bigla ang turing ni Jorryme sa kanyang asawa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular