Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesRetiradong pulis at kanyang babae, pormal ng kinasuhan matapos mahuli sa akto...

Retiradong pulis at kanyang babae, pormal ng kinasuhan matapos mahuli sa akto ng legal wife

Pormal ng kinasuhan ang isang retiradong pulis na kareretiro pa lamang nitong Pebrero matapos siyang mahuli ng kanyang asawa sa isang hotel na mayroong kasamang babae.

Tila ipinagdiwang diumano ng retireadong pulis ang kanyang ika-69 na kaarawan ng mahuli siya sa akto ng kanyang asawa na naka-record at ibinahagi pa sa social media.

Makikita sa nasabing video ang matinding pagkagulat ng retiradong pulis matapos siyang agad mapasok ng kanyang misis dahil sa hindi naka-lock ang kwarto na kanyang nirentahan.

Nang makapasok na ang complainant sa kwarto ay nakita niya na lamang ang kanyang asawa at ang diumano’y babae nito na nakatalukbong sa kumot.

Hinugot ng complainant ang kumot at dito na nga bumulaga sa mga kapulisan ang isang hindi malilimutang imahe.

Nakilala ang pulis na si retired Police Executive Master Sergeant Edgar Allan Marces na huling nadestino sa Davao City.

Nakilala naman ang kanyang kinakasamang babae na si Rowena Raquel Fernandez.

Sa ngayon ay humaharap sa kasong concubinage ang dalawa.

Hati naman ang reaksyon ng mga naging netizens sa ginawa ng complainant.

Ang ilan ay sinasabi na tama lamang ang ginawang pagre-record ng complainant ngunit may iba namang binatikos ang legal na asawa ni Marces dahil tila ipinahiya nito ng todo ang retiradong pulis na nagsilbi naman sa bayan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular