Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesNagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid, tinawag na 'epal' si Sara Duterte: "Bakit...

Nagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid, tinawag na ‘epal’ si Sara Duterte: “Bakit nakipagpulong ka sa AFP?”

Binatikos ng broadcaster na kamag-anak diumano ni Sen. Lito Lapid ang pakikipagpulong ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa mga miyembro ng security sector.

Matatandaan na nitong Septyembre 5 ay pinulong ni Duterte na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang officer-in-charge ang mga miyembro ng AFP at PNP para pag-usapan ang seguridad ng bansa.

Isa ang broadcaster at Iglesia ni Cristo member na si Percy Lapid sa mga binatikos ang ginawang ito ni Duterte dahil wala naman diumanong kinalaman ang pakikipagpulong sa security sector sa kanyang trabaho bilang Education Secretary.

“Habang wala ‘yung pusa eh umeepal ang daga.” ani Lapid.

“Ano ba eto, kala ko Department of Id*** este, Education si Sikwatary ito, eh bakit siya nakikipagpulong sa National Defense at AFP? Caretaker? Bakit may banta ba, wala naman ah!” ani Lapid.

Ayon sa Special Order No. 75 ay itinatalaga ni Marcos si Duterte bilang officer-in-charge  ng Office of the President mula Septyembre 4 hanggang 7.

“All acts of the Vice President for and on behalf of the President pursuant to this Order shall be deemed acts of the President, unless disapproved or reprobated by the President.” ayon sa nasabing utos.

Si Percy Lapid ay isang broadcaster na kilala sa kanyang maanghang na mga komentaryo tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

Nagpakilala pa ang broadcaster na kamag-anak ni Sen. Lapid ngunit matagal niya na diumano itong ‘itinakwil’ at tinawag niya pa itong ‘walang kwentang tao’.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular