Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaMisis ng retiradong pulis na nahuli sa hotel, nabisto narin diumano ang...

Misis ng retiradong pulis na nahuli sa hotel, nabisto narin diumano ang mister niya noong 2013

Tila sinayang ng retiradong pulis na si Ret. Police Executive Master Sergeant Edgar Allan Marces ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng kanyang asawa.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang retiradong pulis matapos siyang mahuli sa akto ng kanyang asawa at mga anak na babae na may ginagawang kababalaghan sa isang hotel sa Davao City.

Ayon kay Police Major Jake Goles, hepe ng Sasa Police Station, nitong Septyembre 7 humingi ng tulong sa kanila si Mrs. Edna Marces dahil sa nabisto na niya ang kanyang mister na pinagtataksilan siyang muli.

Matapos ang paghingi ng tulong sa mga otoridad ay matagumpay nilang namanmanan ang retiradong pulis na pumunta sa isang hotel na agad naman nilang pinasok.

Para makasigurado ay ni-record ng mga anak ni Marces ang pagpasok nila sa kwarto na inuupahan ng retiradong pulis.

Doon na tumambad sa kanila si Mr. Marces kasama ang diumano’y kaluguyo nito na si Rowena Fernandez.

Kwento ni Mrs. Marces ay noong 2013 ay nahuli niya na rin ang kanyang mister na may ginagawang pagtataksil ngunit pinatawad niya na lamang ito.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi niya na diumano papayagan ang ginagawa ng kanyang mister.

Nag-iba diumano ang ugali ng kanyang mister kaya’t nakutuban niya na ito na mayroon nanamang babae at tama nga ang kanyang hinala.

Sa ngayon ay haharap sa patong patong na reklamo si Mr. Marces at Fernandez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular