Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesGuro, pumalag sa magulang na nagreklamo dahil sinabihan na 'babalikan' ang kanyang...

Guro, pumalag sa magulang na nagreklamo dahil sinabihan na ‘babalikan’ ang kanyang anak na hindi makasagot

Pumalag ang isang guro sa reklamo ng isang magulang tungkol sa diumano’y naging karanasan ng kanyang anak sa eskwela.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng magulang ang kanyang concern laban sa isang guro na diumano’y naging dahilan ng kanyang anak para hindi na pumasok sa eskwelahan.

“Considered na abuso po ba sa part ng bata na kapag may hindi nasagot ang bata ay sasabihan ng teacher na “babalikan kita” na naging cause na ayaw na pumasok ng bata sa school,” tanong ng magulang.

Pumalag naman ang ilang guro sa tanong na ito ng magulang at isa na dito si teacher Fritzie Puray.

Payo niya sa nagrereklamong magulang ay i-home school niya na lamang ang kanyang anak.

Ilang netizens din ang pumalag sa nasabing reklamo ng magulang.

Ayon sa kanila ay maaring hindi lamang naintindihan ng bata ang sinabi sa kanya ng guro.

“Anong klaseng babalikan po ibig sabihin? Kc sa classroom po pag hindi nkasagot alangan magtagal c teacher sa isang student need nya mag ask ng ibang student kya minsa nasasabi babalikan kita. Depende kc sa situation or pagkakasabi. Correct me if I’m wrong,” sabi ni Maricel Dio.

“Ano ba kasi kadugtong ng babalikan kita? Babalikan kita para tanungin ulit in serious facial expression, mas okay yan, kasi pinapakita lang na responsible si teacher. Hindi niya hahayaan na may student siya na hindi matuto. Pero kung babalikan kita with mad or angry expression, with kadugtong na mga bad words, yan ang hindi okay.” wika ni Torres Kim.

“Entitled child in the making,” ani Dodong Abuzo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular