Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesGuro na nanakit ng dalawang estudyante na hindi makapag-substract, parurusahan ng DepEd

Guro na nanakit ng dalawang estudyante na hindi makapag-substract, parurusahan ng DepEd

Isang guro ngayon ang kasalukuyang naka ‘on-leave’ matapos mag-viral sa social media ang kanyang pamamalo at pag-pingot sa dalawang estudyante na hindi makasagot sa blackboard.

Ayon sa uploader ay nangyari ang insidente noong Abril 2022 sa Bangad Centro Elementary School sa Tinglayan, Kalinga ngunit nitong Septyembre lamang nag-viral ang nasabing video.

Makikita sa video na hindi basta basta ang ginawa ng guro at maririnig pa ang pangigigil nito sa kanyang mga estudyante.

Ang dahilan ng ginawa ng guro ay dahil diumano sa hindi makapag-substract ng maayos ang mga nasabing estudyante.

Sa panayam ng isang local radio station sa Schools Division Superintendent ng SDO Kalinga na si Dr. Amador Garcia Jr. ay mabuti na ang kalagayan ngayon ng mga bata na ngayon ay grade 6 na.

Nakausap narin diumano nila ang guro na 20-taon ng nagtuturo at labis ang pagsisisi nito sa kanyang nagawa.

Humingi din ng paumanhin si Garcia dahil sa ngayon lamang nila nai-report ang nasabing guro.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ng Department of Education (DepED) Cordillera ang mga posibleng ipataw nilang kaparusahan sa nasabing guro na hindi na nila pinangalanan.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa ginawa ng nasabing guro.

“Wag ka nalang magturo kung hindi mo kayang gampanan ang pagiging guro mo. Wag mong saktan ang mga bata kung Nagkamali man sila pwede mo silang pagsabihan pero wag na wag mong saktan. Kung hindi mo pala gusto ang pagtuturo Di dapat nagsundalo ka nalang para dun mo ilagay ang tapang mo. Kung ako lang ang magulang na sinaktan ang anak sigurado papatanggal kita,”¬†sabi ni Teiluj Saquing.

“Walang masama sa pagdidisiplina dinanas naranasan korin yan mapalo sa kamay ilang beses makurot para lumaki kang disiplinado at lumaki kang matino dahil sa mga batas nayan nasaan ang gobyerno mga anak na nagpapasunod sa magulang wala na yung dati sinasagot narin ang mga teacher maganda bayan?” wika ni Joemar Canapi.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular