Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBBM blogger na si Jhem Byot, himas rehas matapos makuhanan ng milyong...

BBM blogger na si Jhem Byot, himas rehas matapos makuhanan ng milyong halaga ng pinagbabawal na damo

Himas rehas ngayon ang isang vlogger na kilala sa kanyang pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at dalawa pa niyang kasama sa isang operasyon na isinagawa ng Laguna PNP nitong Septyembre 10.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO nakilala ang mga suspek na sina Jerome Zapanta Layson alyas Jhem Bayot, 31, Ginalyn Pintang Benisa alyas Nalyn, 30, at Crismark Alimagno alyas Lake, 21 na pawang mga residente ng Barangay San Isidro, San Pablo City Laguna.

Nakuha sa mga suspek ang 3.7-M halaga ng ipinagbabawal na damo.

Sa ngayo nay ahawak na ng San Pablo City Police Station ang mga suspek at inaasahan na haharap sila sa patong patong na kaso.

Nangako naman si Colonel Silvio na hindi nila titigilan ang paglaban sa mga gumagawa ng iligal na gawain kahit na sikat pa ito o suportado ang kasalukuyang administrasyon.

“Asahan nyo po mga mamayan ng Lalawigan ng Laguna maspaiigtingin pa po namin ang aming mga operasyon para sa mga kabataan nating wag na sila masangkot sa mga ganitong gawain,” ani Silvio.

Matatandaan na isa si Bayot sa mga nagpakita ng suporta noon kay Marcos.

“Never akong mahihiya or ikakahiya na sinuportahan kita sa kampanya mo. Madaming nanlalait, nang aaway, nag mamarunong, nawalan ng respeto at lahat na ng masasakit na salita na galing sa ibang kulay ang aming narinig pero nanindigan kami pra ipanalo ka. Kasama ang 31 million na Pilipino sa laban mo para ibangon muli ang ating mahal na Pilipinas. “ ani Bayot sa kanyang post.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Bayot tungkol sa akusasyon laban sa kanila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular