Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBati na! Isabelle Duterte, binisita ng amang si Rep. Pulong Duterte sa...

Bati na! Isabelle Duterte, binisita ng amang si Rep. Pulong Duterte sa Australia

Ilang taon matapos ang kanilang pagtatalo na sinubaybayan sa social media ay tila nagkaayos na ang mag-amang sina Davao City Rep. Pulong Duterte at Isabelle Duterte.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Isabelle ang larawan ng kanyang ama na pinuntahan pa siya sa Australia.

“Surprise surprise!!! Welcome to the land down under papa!” ani Isabelle.

Larawan mula kay Isabelle Duterte/Instagram

Sa isa pang post ay makikita si Isabelle kasama ang kanyang ama sa isang hapunan.

Si Isabelle ay anak ni Rep. Duterte sa kanyang dating asawa na si Lovelie Sangkola

Matatandaan na naging viral sa social media ang palitan ng mensahe nila Rep. Duterte at Isabelle noong 2017.

Binatikos kasi ni Isabelle ang kanyang ama kung saan ay tila pinuna pa nito ang posisyon ng kanyang ama sa Davao City.

Sinagot naman ito ng kanyang ama gamit din ang social media.

“It’s not because I’m a Duterte but because I’m your father. Change your family name if you want to! You have no respect! You are an embarrassment! Study first so you don’t become empty-headed. You now don’t know how to listen just because you’re already popular?” mensahe noon ni Pulong sa kanyang anak.

Ikinatuwa naman ng mga netizens na tila maayos na muli ang relasyon ng mag-ama.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular