Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBabae na nabuntis ni Xander Ford, hindi titigil na mangarap: "Papanindigan namin...

Babae na nabuntis ni Xander Ford, hindi titigil na mangarap: “Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin”

Inamin ng partner ng internet celebrity na si Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford na siya ay anim na buwan nang buntis.

Sa kanyang Facebook post, puno ng positibong mensahe ang influencer na si Gena Mago ng kanyang i-anunsyo na nagbunga na ang kanilang pagmamahalan ni Xander.

Matatandaan na noong 2021 pa lamang ay alam na ng publiko ang relasyon ng dalawa.

Nangako naman si Gena na kahit na medyo bata pa sila ni Xander ay hindi nila tatakasan ang responsibilidad bilang magulang sa kanilang anak at hindi parin sila titigil na mangarap.

“Para po sa mga di pa nakakaalam yes po pregnant po ako for 6 months at ang daddy po ay si Xander Ford. Alam ko po madaming magsasabi na masyado pang maaga para magkaanak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa.” ani Gena.

“Hindi po porket nagkaanak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin. Bagkus isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag igihan pa sa mga goal namin sa buhay. Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya,” dagdag niya pa.

Nakiusap naman ang influencer na sana’y huwag ng idamay pa ang kanilang magiging anak sa pambabatikos ng mga netizens.

Matatandaan na isa si Xander sa mga pinakabinabatikos na influencer sa social media dahil narin sa mga pinagdaanan nitong isyu.

Noong 2020 ay naghimas ito ng rehas dahil sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya ng kanyang ex-girlfriend na si Ysah Cabrejas.

READ MORE: Xander Ford, himas rehas dahil sa kasong kinakaharap niya ngayon

Itinanggi naman ni Xander ang mga akusasyon noon laban sa kanya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular