Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaAsawa ng retiradong pulis na si Edgar Marces, nagsalita: "Ang mabait kong...

Asawa ng retiradong pulis na si Edgar Marces, nagsalita: “Ang mabait kong asawa ay mag sasangla para sa mga kabit!”

Inulan ng suporta ang asawa ng retiradong pulis na matatandaang nag-viral sa social media matapos makunan mismo sa camera ang kanyang pagtataksil.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mrs. Edna Marces ang kanyang naging saloobin matapos niyang mahuli ang kanyang asawa na si retired Police Executive Master Sergean Edgar Allan Marces na kasama ang babae diumano nito na si Rowena Raquel Fernandez.

Hindi maitago ni Mrs. Marces ang kanyang pangigigil sa kanyang asawa.

Ayon pa kay Mrs. Marces ay nagsasanla pa ang kanyang asawa ng gamit para lamang may maipantustos ito sa kanyang babae.

Larawan mula kay Mrs. Edna Marces

Ayon pa sa ilang mga kaibigan ni Mrs. Marces ay bago mahuli ang retiradong pulis ay lagi pa itong nagpo-post ng mga sweet na mensahe para sa kanyang asawa.

Tingin naman ni Mrs. Marces ay ginawa ito ng kanyang asawa para hindi niya mahalata ang pagtataksil nito.

Sinubukan naman siyang pakalmahin ng mga kaibigan niya sa social media ngunit ito na lamang ang kanyang tugon.

“Sorry wala na akong puso,” ani Mrs. Marces.

Nagpakita rin ng paghanga ang mga kaibigan ni Mrs. Marces dahil sa tindi ng intelligence nito na kahit ang isang retiradong pulis ay hindi siya natimbrehan.

Haharap sa patong patong na kaso ang retiradong pulis at si Fernandez dahil sa kanilang pagtataksil.

Sa ngayon ay nakapagpiyansa na ang babae habang nasa kustodiya parin ng mga otoridad si Mr. Marces.

Desidido naman si Mrs. Marces na itutuloy niya ang kaso laban sa kanyang asawa at wala itong balak na patawarin ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular