Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesRachel Carrasco, kinasuhan si Maggie Wilson matapos siyang akusahan nang pagiging kabit...

Rachel Carrasco, kinasuhan si Maggie Wilson matapos siyang akusahan nang pagiging kabit ni Victor Consunji

Pormal ng kinasuhan ng marketing guru at entrepreneur na si Rachel Carrasco ang model na si Maggie Wilson-Consunji.

Ito’y matapos na akusahan ni Wilson si Carrasco na diumano’y pagiging kabit ng kanyang bilyonaryong asawa na si Victor Consunji.

Matatandaan na nitong Agosto ay ibinahagi ni Wilson ang ilang mga larawan kung saan ay makikita si Carrasco at si Consunji na magkasama.

Tila pinapahiwatig pa ni Wilson na pumupunta rin si Carrasco sa ‘conjugal home’ nila ni Consunji.

“In 2019, a woman (one of) despite her being married at the time, I found was taking “trips” and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our “conjugal” home, living her best life!” ani Wilson.

READ MORE: Maggie Wilson, ibinunyag ang diumano’y ibang babae ang asawa niyang si Victor Consunji: “I kept quiet for years”

Nitong Septyembre 9 naman ay ibinahagi sa Instagram ni Wilson na nakatanggap siya ng liham kung saan ay ipinapaalam sa kanya ang isinampang kaso laban sa kanya ng entrepreneur.

Ayon kay Wilson ay 1% pa lamang ng kanyang nalalaman ang ibinahagi niya laban kay Carrasco noon.

“Today, I received notice that Rachel Carrasco filed a public case against me. Maybe, she doesn’t know that what I posted wasn’t even 1% of what I have from the years gone by but that’s ok.” sabi ng model.

Hahayaan na lamang daw ni Wilson ang korte na magdesisyon sa isinampang kaso laban sa kanya ni Carrasco.

Noong 2021 inanunsyo ng dalawa ang kanilang paghihiwalay at walang mag-aakala na magiging matindi pala ang mga susunod na mangyayari sa dalawa.

Nitong Hulyo ngayong taon nag-umpisa na pag-usapan muli Wilson at Consunji matapos magsampa ng adultery case ang negosyante laban sa kanyang kabiyak.

READ MORE: Mga taksil! Victor Consunji, nagsampa ng kasong adultery laban kay Maggie Wilson at sa business partner nito

Inakusahan ni Consunji ang kanyang asawa na nakikipagrelasyon diumano sa negosyanteng si Tim Connor.

Pumalag naman si Connor at sinabi na ayaw niyang makisali sa away ng mag-asawa.

Nakaapekto naman ang isyu sa negosyo ni Connor at ilang investor ang umatras sa pamumuhunan sa Pilipinas dahil sa kinakaharap nitong kaso.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular