Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesPagsasampa ng cyberlibel ni Chiz Escudero laban kay Cristy Fermin, hindi naman...

Pagsasampa ng cyberlibel ni Chiz Escudero laban kay Cristy Fermin, hindi naman daw totoo

Ilang kolumnista at showbiz reporter ang pumalag sa isang impormasyon na ikinalat ng dalawang DJ na parte ng radio program na ‘The Baklitas’ matapos nilang maglabas ng balita tungkol kay Cristy Fermin.

Ayon sa nasabing mga DJ ay diumano’y balak kasuhan ni Sen. Chiz Escudero ang batikang kolumnista dahil diumano sa balita nito na hiwalay na ang beteranong politiko kay Heart Evangelista.

Gusto raw ni senator Chiz ay maturuan ng leksyon ang mga katulad ni Cristy Fermin na porke’t matatagal na raw ha sa industriya at hindi porket powerful pagdating sa showbiz ay hindi na kayo puwedeng kantiin,” ayon sa host ng radio show.

Natanggap na din diumano ng kampo ni Fermin ang demand letter mula sa kampo ng senador.

Pumalag naman ang ilang mga pahayagan na sinubukan na i-fact check ang nasabing balita.

Sinabi rin ni Fermin na wala silang ibinalita o kinumpirma tungkol sa hiwalayan ni Escudero at Evangelista.

Ayon naman mismo kay Sen. Chiz Escudero ay wala siyang balak na kasuhan si Fermin.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang ‘The Baklitas’ tungkol sa kung ano nga ba ang katotohanan tungkol sa kanilang ibinalita laban sa beteranang mamamahayag.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular